+33 877 554 332

Mon - Fri: 8:00am - 5:00pm

๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐๐ฎ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ซ๐ฅ๐ฒ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ง๐  ๐‚๐ก๐ข๐ฅ๐ ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ž๐ซ๐ฌ (๐‚๐ƒ๐–)

  • by

Isang matagumpay na 1st quarterly meeting ng Child Development Workers ang isinagawa ngayung Pebrero 7, 2025, mula 8:00 AM hanggang 4:00 PM sa Training Hall. Dinaluhan ito ng mga pangunahing personalidad sa larangan ng serbisyong panlipunan at edukasyon.

Ipinahayag ni Mayor Roberto “Nonong” Palomar ang kanyang katiyakan na patuloy na paigtingin ang mga programa at inisyatibang makapagbibigay ng mas maayos na serbisyo para sa kabataan at komunidad.

Kasama rin sina, Josie G. Cambel, RSW, MSSW at Mr. Eleazar M. Cebuano Jr. โ€“ CDW-Garcia at CDW Federation President

Dumalo rin ang 49 Child Development Workers (CDW) mula sa ibaโ€™t ibang barangay, na nagpapatunay sa malawak na partisipasyon at suporta ng komunidad.

Mga Tinalakay na Agenda:

โ€ข Updates sa monitoring performance ng mga Child Development Workers at Child Development Centers

โ€ข Supplementary Feeding Program

โ€ข Pagsasanay para sa mga CDW sa Malay, Aklan

โ€ข Moving Up Ceremony

โ€ข Iba pang mahahalagang usapin

โ€ข Talakayan tungkol sa kahalagahan ng magandang kapaligiran, tamang atmospera, at wastong presentasyon para sa mga bata

โ€ข Pag-upgrade ng mga pasilidad ng day care Centers

Ang pagtitipon ay nagsilbing plataporma upang mapag-usapan ang mga hakbang at rekomendasyon para sa pagpapabuti ng serbisyo at kapakanan ng mga bata. Ang mga natukoy na aksyon ay magsisilbing gabay sa pagpapalakas ng mga programa at pag-unlad ng kabataan sa ating komunidad.

Photos: Melglen Jay Aberle & Jernie Faith Jacinto (Immersion Students)

Leave a Reply

Tapaz Municipal Hall

Municipal Hall, Poblacion, Tapaz, Capiz

Philippines 5814

Follow us