+33 877 554 332

Mon - Fri: 8:00am - 5:00pm

๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—˜๐˜€๐˜๐˜‚๐—ฑ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐˜‚๐—ต๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—”๐˜€๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—ธ๐—ผ ๐—•๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜†๐—น๐—ถ๐˜€๐˜

  • by

Ngayong araw, Agosto 12, 2024, (200) dalawang daang estudyante mula sa kolehiyo ang nakatanggap ng pinansyal na tulong na nagkakahalaga ng P2,000 bawat isa. Ang ayudang ito ay ipinagkaloob ni Sonny Lagon ng Ako Bisaya Partylist sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Dumalo sa programa si Mayor Roberto “Nonong” Palomar, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng edukasyon at ang pangangailangan na tapusin ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral. Ayon kay Mayor Palomar, “Ang edukasyon ang magiging susi sa ating kinabukasan, kayaโ€™t mahalaga na pagsikapan ninyong matapos ang inyong mga pag-aaral.”

Nagbigay rin ng mensahe si Ma’am Chay Palomar, na binigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon at ang pagsusumikap para sa kanilang pamilya.

Si Ako Bisaya Partylist Representative Stephanie Vergabera naman ang naghatid ng mensahe mula kay Sir Rex โ€œDanteโ€ Palomar, na nagpahayag ng kanilang patuloy na suporta sa mga kabataang mag-aaral upang maabot nila ang kanilang mga pangarap.

Maraming salamat sa MSWDO personnel na pinamumunuan ni Maam Josie Cambel para sa kanilang matagumpay na pag-aasikaso ng programa.

Lubos ding nagpapasalamat ang lahat kay Sonny Lagon at sa Ako Bisaya Partylist para sa walang sawang suporta sa mga kabataan!

Photos: SPES Jake Glindro

Leave a Reply

Tapaz Municipal Hall

Municipal Hall, Poblacion, Tapaz, Capiz

Philippines 5814

Follow us

GOVERNMENT LINKS & MAP

Copyright ยฉ 2022 Municipality of Tapaz. All Rights Reserved.