Paano ma-access ang BPLS ONLINE?
Sundin ang mga steps na nasa ibaba:
1. Gamit ang inyong computer o smartphone pumunta sa inyong browser at i-type ang https://bpbc7.ibpls.com/tapazcapiz/
2. Gumawa ng account sa pamamagitan ng pagpindot ng Create an Account at ilagay ang mga detalye, gaya ng pangalan, address at mobile number. Kailangan ding ilagay ang inyong email address, magset ng password at basahing mabuti ang Terms of Service at Privacy Policy bago i-click ang Finish.
3. Buksan ang inyong email address upang ma-verify ang inyong account.
4. Pagkatapos ma-verify ang inyong account, maari na kayong mag-login https://bpbc7.ibpls.com/tapazcapiz/login
5. Para sa nagnanais magparehistro ng kanilang negosyo, i-click ang Application Form tab at piliin ang New Business. Pagkatapos, ilagay ang kumpletong detalye ng inyong negosyo. Ang mga kulang na detalye sa application ay maaring mapunta sa pending application kaya dapat itong kumpletuhin. Kapag tapos na. maari nang pindutin ang Submit.
6. Maghintay ng email mula sa BPLO upang malaman kung naaprubahan na ang iyong application. Kapag naaprubahan na, maaari kang mag-access sa website para makuha ang iyong Tax Order of Payment.
7. Kung kayo ay may existing registered business, maari ninyong i-tag ang inyong business at i-click ang tag existing business.
8. Ilagay ang Business Identification Number at Mayor’s Permit Number ng inyong latest business permit.
Pubmat: MIO Nervin Gardose