Isang Overseas Filipino Worker (OFW) na na-rescue sa tulong ni Mayor Roberto โNonongโ Palomar ay nakatanggap na ng financial assistance na nagkakahalaga ng P30,000 mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Ang tulong pinansyal ay natamo sa pamamagitan ng OWWA Region 6 at sa tulong ni Administrator Arnell Ignacio.
Sa isang seremonya, ipinahayag ni Mayor Palomar ang kanyang pasasalamat sa OWWA at kay Administrator Ignacio para sa kanilang mabilis na pagtugon at tulong sa nasabing OFW. “Ang pagbibigay ng tulong pinansyal ay isang malaking hakbang tungo sa muling pagbangon ng ating kababayan. Patuloy tayong magsusumikap na makapagbigay ng kinakailangang suporta sa ating mga OFW,” ani Mayor Palomar.
Aside from cash the LGU Tapaz thru DSWD will provide also Livelihood Project to Narcisa Tolentino and her family.
Ang financial assistance na ito ay layong makatulong sa nasabing OFW na makapagsimula muli at makatugon sa kanilang mga pangangailangan matapos ang kanilang mahirap na karanasan sa ibang bansa. Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan at OWWA na masiguro ang kapakanan ng mga OFW.
Photos: MIO Tim Emmanuel Vista